Budget officer nilikida

MANILA, Philippines - Napatay ang budget officer ng Nueva Vizcaya State University matapos ratratin ng dalawang ‘di-kilalang lalaki sa loob ng campus ng unibersidad sa Barangay Salvacion sa bayan ng Bayombong, Nueva Vizcaya kahapon ng umaga. Limang bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Arlene Fernandez. Ayon kay P/Senior Supt. Elmer Beltejar, lulan ng traysikel ang biktima mula sa staff quarters at patungo sana sa administration building ng unibersidad nang lapitan at ratratin pagsapit sa panulukan ng kalsada. Kaagad na tumakas ng gunmen lulan ng traysikel patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Show comments