Faith healer binoga

MANILA, Philippines - Patay ang isang faith healer matapos na pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang lalaki habang nagsasagawa ng healing session sa bahay nito sa Brgy. Tanolong, Bayambang, Pangasinan kamakalawa ng hapon. Ang biktima ay nakilalang si Mary Grace Tan, 44-anyos, tubong Davao del Sur at pansamantalang nanunuluyan sa nasabing lugar. Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 1, bandang alas-3 ng hapon ng sumulpot ang mga salarin na magkaangkas sa Honda Wave motorcycle at pagbabarilin ang biktima. Hindi na umabot pa ng buhay sa Bayambang District Hospital ang biktima sa dami ng tinamo nitong tama ng bala ng cal. 45 pistol sa katawan. Pinaniniwalaan namang may kinalaman sa faith healing nito ang krimen.

Show comments