Nagpatayan sa bentahan ng tuko

BULACAN, Philippines — Pinaniniwalaang bentahan ng tuko ang isa sa motibo kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 45-anyos na mister ng kanyang kapitbahay sa Barangay San Isidro, San Jose Del Monte City, Bulacan kahapon ng tanghali. Kinilala ni SPO2 Freddie Ferrer ang napatay na si Abelardo Buzo habang sugatan naman ang misis nitong si Lorna Buzo, 41. Tugis ng pulisya ang suspek na si Reynaldo Basmayor. Base sa ulat, bumibili ng tuko ang mag-asawang Buzo sa suspek kung saan hindi nagkasundo sa presyo na nauwi sa mainitang pagtatalo. Dito na pinagbabaril ng suspek ang biktima at idinamay din ang asawa sa pamamaril.

Show comments