^

Probinsiya

23 nadale ng tipus

- Ni Tony Sandoval -

QUEZON, Philippines — Aabot sa dalawampu’t tatlo-katao ang iniulat na nadale ng typhoid fever (tipus) dahil sa kontaminadong tubig mula sa deep well sa Barangay Anoling, sa bayan ng General Nakar, Quezon kamakalawa. Sa telephone interview kay Mayor Leovegildo Ruzol, sinabi nito na hindi naman magdedeklara ng typhoid outbreak ang kanilang munisipalidad dahil isang barangay lamang ang tinamaan ng nasabing sakit at sa kasalukuyan ay naagapan naman.

Lima-katao na lamang ang naka-confine sa Claro M. Recto Hospital, habang ang ibang pa ay sa mga local clinic na lamang nagpagamot.

Nagpadala na ng mga mineral at distilled water sa mga residente ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan sa pangu­nguna ni Dr. Agrifino Tullas habang nag-chlorination na rin sa ilang deep well.

vuukle comment

AABOT

BARANGAY ANOLING

CLARO M

DR. AGRIFINO TULLAS

GENERAL NAKAR

MAYOR LEOVEGILDO RUZOL

NAGPADALA

QUEZON

RECTO HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with