Mag-amo tusta sa kidlat

MANILA, Philippines -   Kamatayan ang sumalubong sa isang magsasaka at alaga nitong kalabaw matapos na tamaan ng kidlat sa palayan sa Barangay San Marcelino sa bayan ng Dingras, Ilocos Norte noong Martes. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang namatay na si Elmer Reyes. Lumilitaw na nagtungo sa bukirin si Reyes para isilong ang kaniyang kalabaw sa kasagsagan ng pagbuhos ng ulan na sinasabing sinabayan pa ng kulog at kidlat. Gayon pa man, habang hinihila ng biktima ang kaniyang alagang kalabaw ay tumama sa mag-amo ang matalim na kidlat kung saan kapwa nagtamo ng 3rd degree burn.

Show comments