Kawani ng STL itinumba

NUEVA ECIJA, Philippines – Napaslang ang isang 31-anyos na kawani ng small town lottery matapos ratratin ng mga 'di-kilalang kalalakihan sa Barangay Diversion sa bayan ng San Leonardo, Nueva Ecija, kamakalawa ng madaling-araw. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Sherwin Alcantara na nakatira sa nasabing barangay. Lumilitaw na pauwi na ang biktima lulan ng motorsiklo (2283 RJ) nang nakasalubong si kamatayan. Narekober ng pulisya sa katawan ng biktima ang transparent plastic sachet ng shabu na nakabalot pa sa papel at cell phone.

Show comments