Bohemyo dedo sa sex

MANILA, Philippines- Patay ang isang 59-anyos na matandang lalaking ‘bohemyo’ matapos na makipag-sex sa isang magandang babae sa loob ng isang hotel sa Taytay, Rizal kamakalawa ng hapon. Kinilala ang nasawing biktima na si Luisito Anicete, tubong Macabebe, Pampanga na natagpuang hubo’t hubad sa inupahan nitong silid sa Insiders View Hotel na matatagpuan sa kahabaan ng national road, Brgy. Muzon, Taytay, Rizal. Sa imbestigasyon na isinagawa nina PO2 Ruperto Ponce at PO2 Aries Sombra, nadiskubre ang bangkay ng biktima, ganap na ala-1 ng hapon ng roomboy na si Arvin Mailepre, 22, pero wala na ang babaeng katalik nito. Pinaniniwalaan namang inatake sa puso ang biktima sa kainitan ng pakikipagtalik sa magandang babae na iniwan ito sa matinding takot ng masawi ang matanda.

Show comments