^

Probinsiya

Minero todas sa minahan

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Isa na namang minero ang iniulat na nasawi matapos itong makalanghap ng nakalalasong gas sa tunnel ng minahan sa Upper Acupan, Barangay Virac sa bayan ng Itogon, Benguet kamakalawa. Kinilala ang nasawi na si Rocky Mendoza, 19, tubong Bakun, Benguet at nakatira sa bayan ng Itogon. Batay sa police report, dakong alas- 3:45 ng hapon nang pumasok sa minahan ng ginto na pag-aari ni Teodoro Camiling ang biktima. Sinasabing nanikip ang paghinga ng biktima at nakaranas ng matin­ding pagkahilo matapos na malanghap ang nakalalasong gas sa minahan. Nabatid na humiwalay ang biktima sa kaniyang mga kasamahang minero na sina Rener Pengi, Jerson Mendoza at John Saliwan. Nagawa pang maisugod sa Baguio City General Hospital ang biktima pero nabigo na itong maisalba. Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

vuukle comment

BAGUIO CITY GENERAL HOSPITAL

BARANGAY VIRAC

BENGUET

ITOGON

JERSON MENDOZA

JOHN SALIWAN

RENER PENGI

ROCKY MENDOZA

TEODORO CAMILING

UPPER ACUPAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with