Dalaga pinilahan ng 8-'manyakis'

MANILA, Philippines - Napariwara ang kinabukasan ng isang 18-anyos na dalaga matapos itong pilahan ng walong manyak na lalaki kabilang na ang kasintahan ng una sa Barangay Taculing, Bacolod City, Negros Occidental.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Ricardo de la Paz, itinago sa pangalang Karen ang dalaga na kasalukuyang nagpapagaling sa Bacolod Adventist Medical Center.

Base sa naantalang police report, may dalawang araw na ang nakalilipas nang i-text  ang dalaga ng kaniyang syota para makipag-inuman sa kanila ng mga kabarkada.

Agad namang pinaunlakan ni Karen kung saan pagdating nito sa bahay ng kaniyang kasintahan ay inabutan ang mga barkada ng lalaki na masayang nag-iinuman.

Kaagad namang tinagayan si Karen habang hinihintay ang kasintahan subalit nang malasing ay kinaladkad ng pitong manyakis sa bakanteng lote may limang kilometro mula sa bahay ng kanyang boyfriend at halinhinang ginahasa.

Nang dumating ang kaniyang boyfriend ay nakipila na rin sa dalaga kung saan hindi pa nakuntento ang mga suspek ay kinuha pa ang kaniyang cell phone, hikaw at P100 saka halos hindi makagulapay na inabandona sa damuhan.

Sa medical examination sa dalaga ay lumitaw na positibong hinalay ng mahigit sa limang lalaki base na rin sa mga sugat sa maselang bahagi ng katawan.

Naglatag nang dragnet operation ang pulisya para madakip ang mga manyak na lalaki.

Show comments