Mag-asawa, 2 anak nalason sa bangus

MANILA, Philippines - Naratay sa ospital ang mag-asawa at dalawa nitong anak matapos na kumain ng pritong bangus na pinaniniwalaang kontaminado ng formalin sa Barangay Puntod, Cagayan de Oro City noong Lunes ng gabi. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, ang bangus ay binili ni Cricella Pagapon sa Cogon market na niluto at inulam nilang mag-asawa at dalawang anak sa hapunan ay nagdulot ng matinding pananakit ng tiyan pagkahilo at pagsusuka. Kaugnay nito, kumuha na ng sample ng bangus ng mag-anak ang mga health officials upang suriin.

Show comments