3 karnaper nadakma

NUEVA ECIJA, Philippines – Tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang notoryus karnaper ang naaresto ng pulisya sa inilatag na checkpoint sa Barangay Pulo, sa bayan ng San Isidro, Nueva Ecija noong Huwebes Santo ng gabi. Kinilala ni P/Supt. Edgar Allan Okubo, ang suspek na sina Crisanto Calma, 29, ng Barangay Gatbuka, Calumpit, Bulacan; Dominic Ocampo, 40, ng Barangay Capalangan, Apalit, Pampanga; at Benjie de Guzman, 21, ng Barangay Mc Arthur, Calumpit, Bulacan. Nasamsam sa mga suspek ang limang cell phone, P7,157 cash, L300 van (XSW-566) at motorsiklo (2808 RB) na pinaniniwalaang kinarnap sa bahagi ng Barangay Cruz na Daan sa bayan ng San Rafael, Bulacan. Sa beripikasyon, lumiliataw na pag-aari ni Fermar Victoria ng San Ildefonso, Bulacan ang ninakaw na motorsiklo.

Show comments