^

Probinsiya

Taga sa anak sinalo ng ama

- Ni Mer Layson -

Rizal ,Philippines  — Nasa malubha ngayong kalagayan ang isang ama matapos na salagin ang taga na para sana sa kaniyang anak, nang ipagtanggol ito sa nakaalitang kapitbahay sa bayan ng Taytay, ayon sa ulat kahapon. Nilalapatan na ng lunas sa Rizal Medical Center ang biktimang si Delfin Aguilar, 37, may asawa, at residente ng 10-7 Sampalucan St., Brgy. San Isidro, Taytay, bunsod nang tinamong taga sa kaliwang bahagi ng leeg. Arestado naman at naghihimas na ng rehas na bakal ang suspek na si Eliseo Cruz, 63, may-asawa, at kapitbahay ng biktima. Batay sa paunang ulat ni P02 Aries Sombra, ng Taytay Police, nabatid na naganap ang insidente dakong alas-9:30 ng umaga sa tapat ng bahay ng suspek ng habulin nito ng taga ang anak ng biktima na si John Dell Aguilar na sinangga naman ng ama nito. Ang kasong ito ay patuloy na iniimbestigahan.

vuukle comment

ARESTADO

ARIES SOMBRA

DELFIN AGUILAR

ELISEO CRUZ

JOHN DELL AGUILAR

RIZAL MEDICAL CENTER

SAMPALUCAN ST.

SAN ISIDRO

TAYTAY

TAYTAY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with