Bumbay itinumba

SOLANO, Nueva Vizcaya, Philippines – Dalawang negos­yanteng Bumbay ang magkasunod na itinumba sa magkahiwalay na bayan sa lalawigan ng Isabela ayon sa ulat ng pulisya. Base sa police report, si Hardeep Singh na sinasabing nananghalian ay niratrat ng mga 'di-kilalang kalalakihan sa bahagi ng Barangay Naguilian sa Santiago City, Isabela kamakalawa ng umaga. Samantala, si Jaswant Singh na lulan ng motorsiklo ay pinagbabaril naman noong Martes sa bayan naman ng Alicia, Isabela. Pinayuhan ngayon ng mga awtoridad ang mga negosyanteng Bumbay sa nasabing rehiyon na makipagtulungan sa kinauukulan at doblehin ang pag-iingat upang maiwasan ang kahalintulad na insidente.

Show comments