^

Probinsiya

'Rapist' pinutulan ng ari

- Ni Francis Elevado -

CAMARINES NORTE, Philippines — Pinaniniwalaang napagkamalang rapist ang isang 38-anyos na mister kaya pinutulan ng ari saka binaril sa ulo ng mga 'di-kilalang lalaki sa bahagi ng Sitio Dumarangis, Barangay Lamon sa bayan ng Goa, Camarines Sur kamakalawa.

Animo’y pinaghigantihan si Victor Ocampo, tubong Macabebe, Pampanga matapos tadtarin ng bala ng baril sa ibat’ ibang bahagi ng katawan kung saan hindi na nakontento ay pinutulan pa ito ng ari.  

Naging palaisipan sa mga imbestigador ng pulisya ang bumabalot na misteryo sa pagpatay kay Ocampo na natagpuang walang saplot sa katawan at inabandona sa masukal na bahagi ng Barangay Lamon.

Sinisilip ng mga imbestigador ng pulisya ang anggulong may hinalay na menor-de-edad na babae si Ocampo kaya ito pinaghigantihan ng pamilya ng bata.

May posibilidad na pinaslang si Ocampo sa ibang barangay saka itinapon sa liblib na bahagi ng nasabing sitio upang iligaw sa pagsisiyasat ang mga awtoridad.

vuukle comment

BAHAGI

BARANGAY LAMON

CAMARINES SUR

MACABEBE

OCAMPO

PAMPANGA

PINANINIWALAANG

SINISILIP

SITIO DUMARANGIS

VICTOR OCAMPO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with