Pagpatay sa 2 inako ng NPA

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Pormal ng inako ng Santos Binamira Command ng Bagong Hukbong Bayan ng NPA sa Albay ang pamamaslang sa dalawang lalaki na natagpuan na tadtad ng tama ng bala sa katawan sa Barangay Comon sa bayan ng Camalig, Albay.

Ayon sa tagapagsalita ng SBC na si Florante Orobia, ang dalawa na nakilalang sina Jeffrey Nerveza at Sandy Lozano ay hinatulan ng kamata­yan ng kilusan matapos masangkot sa paghoholdap kina Anselma Murillo at Kagawad Lourdes Lotino noong Oct. 16, 2010, panggagahasa sa anak ni Anselma na si Emelite Murillo noong Dec. 28, 2010, maging ang pagpatay sa barangay tanod na si Danny Balala noong Peb. 11, 2011.

Ayon pa kay Florante, ang dalawa ay kasapi Barangay Intillegence Network ng 2nd Infantry Battalion ng Phil. Army sa Barangay Taplacon.

Show comments