2 holdaper bulagta sa shootout

MANILA, Philippines –  Napaslang ang dalawang kalalakihan na pinaniniwalaang notoryus na holdaper matapos makipagbarilan sa puwersa ng pulisya sa bahagi ang Barangay Tina sa bayan ng Dumarao, Capiz kahapon.

Gayon pa man, ayon sa police report na nakarating sa Camp Crame ay kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan sa mga napatay na holdaper na mula sa grupo ni Totong Magno na sangkot sa serye ng holdapan. Bandang alas-6 ng umaga nang makasagupa ng pangkat ang Capiz Provincial Police Safety Company at pulis-Dumarao ang grupo ng mga suspek.

Nasamsam sa pinangyarihan ng sagupaan ang dalawang homemade 12 gauge shotgun, isang M79 improvised rifle at sari-saring bala.

Show comments