Pulis-Cavite pinabulagta

CAVITE, Philippines – Kamatayan sa Valentine’s Day ang sumalubong sa isang 30-anyos na pulis matapos pagbabarilin ng mga 'di-pa kilalang kalalakihan sa harapan ng computer shop sa Barangay Zapote 2 sa bayan ng Bacoor, Cavite kamakalawa ng gabi. Tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ni PO2 Denmark Nario ng Primarosa Subd. sa Buhay-na-Tubig, sa bayan ng Imus, Cavite. Sa ulat ni PO2 Robertson Vallejo, nakatayo sa tapat ng Eusebio Computer Shop si PO2 Nario nang lapitan at ratratin. Blangko naman ang pulisya sa motibo ng pamamaslang.

Show comments