Suspek sa rape-slay ng pinugutan, sumuko

CAVITE, Philippines – Matapos ang ilang araw na pagtatago ay nagdesisyong sumuko sa pulisya ang suspek sa panghahalay, pagpatay at pamumugot sa 19-anyos na dalaga sa Magallanes ng lalawigang ito.

Sumuko kamakalawa ng gabi sa tanggapan ni P/Supt. Ulysses Cruz, hepe ng Provincial Intelligence Branch, ang suspek na si Cesar Catipon, 34, na itinuturong nanghalay at pumatay sa biktimang si Mary Jane dela Vega, 19, kapwa ng Sitio Pintong Gubat ng nasabing bayan.

Sa kabila naman ng testimonya ng mga testigo ay itinanggi ni Catipon na may kinalaman siya sa karumal­dumal na krimen na nangatwirang mahimbing siyang natutulog at dahilan sa text messages kaya nagtago. Isinailalim na sa ilang eksaminasyon si Catipon kabilang na ang semen at DNA test bilang bahagi ng imbestigasyon.

Show comments