Bungo, kalansay ng hostages natagpuan

MANILA, Philippines - Ilang bungo at mga buto ng tao  na pinaniniwalaang mga hinostage ng Abu Sayyaf kabilang  ang isang  pinugutan ng ulo  ang natagpuan ng tropa ng militar sa loob ng  isang kuweba sa Brgy. Silangkum, Tipo-Tipo, Basilan, ayon sa opisyal kahapon. Ayon kay AFP-Western Mindanao Command Spokesperson, Lt. Col. Randolph Cabangbang, natisod ang kweba sa Sitio Kurellem, Barangay Silangkum ng nasabing bayan dakong ala-1:30 ng hapon. Nagsasagawa na ng combat patrol operations ang mga tauhan ng 4th Scout Ranger Battalion ng Philippine Army ng madiskubre ang naturang kuweba na maaring pagkasyahan ng 10 katao. Sinabi ni Cabangbag na laking gulat ng mga sundalo ng pasukin ang kuweba ay tumambad ang mga kalansay ng tao. Isa sa mga kalansay na palatandaang matangkad na kahit buo pa ay nakahiwalay naman sa mga bungo na palatandaan na pinugutan ito ng mga bandidong kidnappers habang nakuha rin sa kweba ang mga damit tulad ng underwear, sweatshirt, pantalon at malong. 

Show comments