200 bala, 100 kutsilyo nasamsam

MANILA, Philippines - Nakumpiska ng mga elemento ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang kahon na naglalaman ng may 200  bala ng cal. 45 at cal. 60 at 100 pirasong kutsilyo na inabandona sa isang cargo vessel sa Zamboanga City kamakalawa ng gabi. Dahil sa pre-departure inspection ng K-9 Units at Special Operations team, nadiskubre ang kahon sa MV Magnolia Fragrance, dakong alas-7:45 ng gabi. Kabilang sa narekober ang 150 rounds ng live ammunition ng caliber .60  at 50 rounds ng caliber .45 at 100 pirasong mga kutsilyo na ibibiyahe sana sa Sitangkai, Tawi-Tawi. Wala namang lumulutang na may-ari ng kahon kaya’t iniutos ni PCG Commandant Wilfredo Tamayo na mag-imbestiga upang matukoy at makasuhan ang may-ari ng nasabing bulto ng mga bala at kutsilyo.  

Show comments