^

Probinsiya

Parak, foreman todas sa duelo

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Dahilan sa alitan sa trapiko kapwa nasawi ang isang bagitong pulis at ang nakaaway nitong foreman makaraan ang mga itong magbarilan sa kahabaan ng highway ng Brgy. San Felix, Sto. Tomas, Batangas kamakalawa.

Ang biktimang si PO1 Rez Bugia, miyembro ng Laguna Provincial Police Security Company ay dead-on-the-spot sa insidente habang hindi na umabot ng buhay sa St. Cabrini Hospital ang nakabarilan nitong si Roberto Malijan, foreman sa nasabing bayan. Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) IV-A, magtatakipsilim na bandang alas-5:45 ng hapon ng magitgit ng motorsiklo ni Bugia na may plakang UC-2451 si Malijan na nasa bisinidad ng nasabing kalsada at pasakay naman sa kaniyang sasak­yan.

Dahil dito ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng mga ito na kapwa nagbunot ng kanilang mga baril at iniumang sa bawat isa saka nagbarilan kung saan kapwa ang mga ito duguang bumulagta.

Narekober ng mga nagrespondeng awtoridad sa crime scene ang 11 basyo ng bala ng cal 9 MM at mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol.  

vuukle comment

BATANGAS

BRGY

BUGIA

DAHIL

LAGUNA PROVINCIAL POLICE SECURITY COMPANY

POLICE REGIONAL OFFICE

REZ BUGIA

ROBERTO MALIJAN

SAN FELIX

ST. CABRINI HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with