2 karnaper arestado

CAMARINES NOR­TE, Philippines  —  Kalaboso ang bi­nag­sakan ng dalawang kalala­kihan na sangkot sa kasong carnapping makaraang maaresto ng pinagsanib na puwersa ng Daet PNP, Provincial Intelligence Section  at ng Criminal In­vestigation and Detection Team – Camarines Norte sa bayan ng Daet, Camarines Norte, ayon sa ulat. Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Rolando De Lemios Bobis ng Labo Regional Trial Court Branch 64, nasakote ang mga suspek na sina Marc Gumagay, 25; ng Argente Street, Brgy 8-Daet at Michael Ramoso, 22, ng Purok 2, Brgy Sto. Niño, Talisay, Camarines Norte. Walang inirekomendang piyansa laban sa dalawa.

Show comments