^

Probinsiya

Pagawaan ng paputok sumabog

- Ni Boy Cruz -

BULACAN, Philippines – Isa ang nasawi habang tatlong iba pa ang nasugatan makaraang sumabog ang pagawaan ng paputok sa Barangay Sto. Niño sa bayan ng Baliwag, Bulacan kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa pagsabog si Antonio Santos, 44, habang nagtamo naman ng 2nd degree burn sina Rudy Mapalad 27; Rodel Marcelo, 25; at si Alvin Dela Cruz, 27, pawang nakatira sa Purok 6 sa nabanggit na barangay. Lumilitaw sa imbestigasyon na magkakasamang gumagawa ng paputok ang mga biktima sa bodega na pag-aari ni Arnaldo Dela Cruz nang maganap ang pagsabog. Kinasuhan naman ng pulisya ang may-ari ng bodega dahil walang kaukulang permiso sa kinauukulang ahensya ng lokal na pamahalaan para gumawa ng mga paputok.

vuukle comment

ALVIN DELA CRUZ

ANTONIO SANTOS

ARNALDO DELA CRUZ

BALIWAG

BARANGAY STO

BULACAN

ISA

KINASUHAN

RODEL MARCELO

RUDY MAPALAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with