Trader dedo sa ambush

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines

 — Hindi na umabot pa ng buhay sa Masbate Doctors Hospital ang isang negosyanteng inhinyero matapos pagbabarilin habang nagmomotorsiklo sa kahabaan ng Boulevard, sa Barangay Ibingay sa bayan ng Masbate, Masbate kamakalawa ng gabi. Nakilala ang biktima ay si Engr. Nelson Udaundo, 53, may asawa, ng Celestina Subdivision sa Barangay Nursery. Batay sa ulat ng pulisya, papauwi na ang biktima dakong alas-10:30 matapos bisitahin ang kanyang computer shop malapit sa kampo ng pulisya nang harangin at ratratin ng 'di-pa kilalang lalaki. Tinangay ng gunmen ang motorsiklo ng biktima saka inabandona sa liblib na bahagi ng nabanggit na barangay.

 

Show comments