^

Probinsiya

2 holdaper dedo sa shootout

- Ni Jonie Capalaran -

MANILA, Philippines –  Nalansag ng mga ope­­­ratiba ng pulisya ang isang notoryus na robbery/holdup gang matapos na mapaslang sa shootout ang lider ng grupo at isa nitong tauhan sa kahabaan ng national highway ng Limay, Bataan nitong Biyernes ng gabi.

 Kinilala ni Bataan Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Arnold Gunnacao ang mga napatay na suspek na sina  Ro­derick Yumol alyas Dick/Bulldog, lider ng Yumol rob­bery/holdup gang at tauhan nitong kinilala lamang sa tattoo sa katawan na si alyas Obet Burdado.

 Patuloy namang tinutugis ang isa pa ng mga itong nakatakas na kasamahan na sinamantala ang kadiliman ng gabi.

 Sinabi ni Gunnacao, dakong alas-6:05 ng gabi ng magresponde ang mga operatiba ng Bataan Police sa pamumuno ni Sr. Supt. Allan Rubi Macapagal sa holdapan sa isang pampasaherong jeepney sa kahabaan ng P. Roman highway sa Sitio Peas, Brgy. Duale, Limay, Bataan.

Nasabat ng mga ele­mento ng pulisya na suspek na lulan ng tricycle na sa halip na sumuko ay nakipagbarilan sa arresting team na siya ng mga itong ikinamatay.

Narekober sa encounter site ang dalawang cal. 38 revolver, dalawang piraso ng bala ng 9 MM pistol, isang Nokia cellular phone, isang yellow pad at sketch maps ng mga es­tablisyementong target holdapin ng mga suspek.

vuukle comment

ALLAN RUBI MACAPAGAL

ARNOLD GUNNACAO

BATAAN POLICE

BATAAN PROVINCIAL POLICE OFFICE

DIRECTOR P

LIMAY

OBET BURDADO

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with