^

Probinsiya

8-anyos patay sa baril ng amang pulis

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Dahilan sa sobrang kali­kutan, isang batang lalaki ang nasawi makaraang aksidenteng pumutok ang pinaglaruan nitong baril ng kanyang amang pulis sa Naga City, Camarines Sur kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Gabriel Christian Dolor, 8-anyos at residente ng barangay Sabang, Naga City.

Batay sa ulat na naka­rating sa Camp Crame, dakong alas-2 kamakalawa ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng kanilang bahay matapos paglaruan ng biktima ang kalibre 45 baril ng kanyang amang pulis.

Nilagyan pa umano ng biktima ng bala ang nasa­bing baril na inakalang laruan saka itinutok sa kaniyang ulo kung saan aksidente nitong nakalabit ang gatilyo na agad kumitil sa kanyang buhay.

Sa inisyal na pagsi­siyasat, nabatid na iniwan ng kanyang ama ang na­sabing baril dahilan off duty ito dahil na rin sa pag­­ sunod sa umiiral na gun ban.

Sinabi ng pulisya na kakasuhan din ng negligence ang amang pulis ng biktima.

vuukle comment

BATAY

CAMARINES SUR

CAMP CRAME

DAHILAN

GABRIEL CHRISTIAN DOLOR

KINILALA

NAGA CITY

NILAGYAN

SABANG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with