6 kawani ng DAR sugatan

NUEVA VIZCAYA, Philippines  — Anim na kawani ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang iniulat na na­sugatan matapos sumalpok ang kanilang van sa tindahan sa Barangay Modesto Antiporda sa bayan ng Buguey, Cagayan noong Huwebes ng gabi. Kabilang sa mga sugatan ay sina Agnes Gervacio, Elpidio Ur­banoso ng Aparri Cagayan; Remedios Agcaoili, 57; Julian Saquing, 48; Jesuita Tumaliuan, 52 at si Aida Zinampan, 47, pawang mga nakatalaga sa DAR office ng Tuguegarao City-Cagayan. Sa naantalang ulat ng pulisya, unang nasagi ng van (SBS 862) ang nakaparadang motorsiklo sa gilid ng highway kung saan mawalan ng control ang drayber at tuluyang sumalpok sa tindahan.

Show comments