Ebidensiya vs mayor nawawala

ILAGAN, Isabela, Philippines  — Nawawala sa provincial prosecutr’s office ang mga ebidensyang baril laban kay Gamu Mayor Fernando Cumgad kaug­nay sa ka­song illegal possession of firearms na isi­nampa sa korte noong May 2010 eleksyon.

Ayon kay Provincial Prosecutor Anthony Foz, kabilang sa nga nawawa­lang ebidensya na gagami­tin sana ng korte bilang ebidensiya ay apat na rifle grenades, 9mm pistol at 1-M16 Armalite rifle na sina­sabing nasa custody ng prosecutor’s office noon pang Mayo 2010.

“An investigation is at present being conducted regarding this matter. CIDG has already taken testimonies from all of my staff and we are now awaiting the results of their probe,” pa­hayag ni Foz.

Maliban sa mga prose­cutors ay iniimbestigahan din ang mga kawani, “All of us in the prosecutor’s office should all be investigated and nobody is exempted,” pahayag ni Asst. Provincial Prosecutor Don Abogado.

Nabatid na walang pala­tandaan winasak ang pi­nag­lalagyan ng mga ar­mas, patunay lamang na in­side job ang krimen.

Katuwang ng mga tau­han ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ay kumilos na rin ang pamunuan ng National Bureau of Investigation (NBI) upang tu­mulong sa im­bestigas­yon.

Show comments