41 pasahero utas sa bangin

BENGUE, Philippines — Aabot sa 41-pasahero ng bus ang kumpirmadong nasawi sa naganap na pinaka­ma­lalang highway disaster kahapon ng umaga sa bahagi ng Naguillan Road malapit sa hang­ganan ng mga bayan ng Tuba at Sab­lan sa Benguet.

Sa inisyal na ulat na na­ka­rating kina P/Senior Supt. Wilben Mayor, Ben­guet PNP director at P/Se­nior Insp. Leo Guay, hepe ng pu­lisya sa Sab­lan, aabot sa 49-pasa­he­ro kabilang ang kon­duktor at drayber ang lulan ng Eso-Nice Transport Corp., with body number 801 at may plakang AYB 549 kung saan sina­sabing nawalan ng preno pag­sapit sa ba­hagi ng Sitio Guiwing, Ba­rangay Bana­ngan, sa na­banggit na ba­yan.

Lumilitaw na patu­ngong San Fernando City, La Union ang bus mula sa Baguio City nang maga­nap ang trahedya bandang alas-9:20 ng umaga.

Ayon sa listahan ng PNP kung saan inihayag ni Gov. Nestor Fongwan, ka­bilang sa mga nasawi ay sina Johnson Dima­ lanta, Rose Quinos, Fre­derick Quinos, mga anak na sina Nicole at Michael Quinos, Berio Almasen, Carlos Angeles, Amethyst Calado, En­rique Hao, Re­nato Li­mid, Rex Arsichu, Cons­tantino Ca­sugay, Glen Lus­tica, Oc­tavio Po­lon, Francisco Sales, Jon Lai­go, Joy Combis, Pas­tora Da­weg, Marlon Pa­leg, Gabino Pilay, Pablito Dio­cenes, Roger Torida, Karen Mae Pilu­den at si Albert Anthony ha­bang 13 iba pa ay bine­beripika ang pagka­ka­­kilanlan.

Walo sa nakaligtas sa trahedya na ginagamot sa Baguio General Hospital and Medical Center ay nakilalang sina Patrick Flores, konduktor; Ro­ meo Supang Jr. drayber; Sonny Ayaten, Desiree Jura, Arnel Paras, Juan­cho Gu­cha, Joy Angelo at isang lalaki na ‘di-pa na­batid ang pag­kaka­ki­lanlan.

Ayon sa konduktor na si Flores, pinilit ng drayber na isalpok ang bus sa kong­kre­tong barrier na nasa gilid ng highway para bu­magal ang takbo at ‘di-mahulog sa bangin na may lalim na 150 metro pero ‘di umubra.

Umabot sa 4-oras ang rescue and retrieval operations para maiahon ang mga bik­tima kung saan gumamit pa ng chainsaw at ang tinatawag na ‘jaws of life’ equipment.

Ayon sa mga opisyal ng pulisya at lokal na pama­halaan, ito na ma­ rahil ang pinaka­ma­lalang highway disaster sa Ben­guet o sa buong ban­sa kung saan masu­sing im­ bestigasyon ang ki­na­­kailangan.

Show comments