Grade 5 pupil napisak

MANILA, Philippines - Napisak ang katawan ng isang 11-anyos na batang babae makaraang mahagip at magulungan ng pam­pasaherong bus sa kahabaan ng highway ng Bayugan City, Agusan del Sur kamakalawa.Idineklarang patay sa Butuan City Hospital ang batang si Angelyn Lucena, mag-aaral sa Noli Elementary School.

Batay sa police report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang sakuna sa highway ng Barangay Noli dakong ala-una y medya ng hapon.

Lumilitaw sa imbestigasyon na nasa pedestrian lane ang biktima nang bigla itong tumawid kung saan nahagip ng Bachelor Express bus na may plakang LWS-411 na patungong Butuan City.

Show comments