Katiwala sa resort inutas

BATANGAS, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa isang 47-anyos na katiwala ng beach resort samantalang sugatan naman ang isang negosyante matapos madamay sa naganap na pamamaril sa bayan ng San Juan, Batangas kahapon ng umaga. 

Kinilala ni P/Senior Supt. Alberto Supapo ang napaslang na si Jose Javier ng Barangay Laiya habang sugatan naman ang negosyanteng si Neil Zara ng Barangay Poblacion.

Lumilitaw na papauwi na si Javier lulan ng motorsiklo mula sa kanyang kaibigan sa Barangay Abung nang pagbabarilin pagsapit sa may highway ng Barangay Calubcub 2nd.

Nadamay naman si Zara na nagbibisekleta sa nabanggit na lugar matapos tamaan ng ligaw na bala sa kanyang likod at kasalukuyang ginagamot sa Mary Mediatrix Hospital sa Lipa City.

Show comments