Pulis dedo sa heat stroke

MANILA, Philippines - Isang pulis na nagsisil­bing VIP security escort ng isang bise alkalde ang na­sawi ma­tapos itong atakehin ng heat stroke sa Barangay West Poblacion, Pantaba­ngan, Nueva Ecija kamakalawa.

Dead on arrival sa Pan­tabangan Rural Health Clinic ang biktimang si SP01 Leo­nardo Agustin Alop, miyem­bro ng San Jose City Police Office at nakatalaga bilang VIP security ni Vice Mayor Mario Salvador.

Sa report ng Police Regional Office (PRO) 3, ban­dang ala-1:20 ng hapon nang bigla na lamang ma­tumba at kapusin sa pag­hinga si Alop habang gina­gampanan nito ang kanyang trabaho kay Vice Mayor Salvador.

Mabilis na isinugod sa pagamutan si Alop pero nabigo ng maisalba pa ang buhay nito. Lumilitaw na­ man sa inisyal na pagsu­suri na heat stroke ang iki­namatay ng nasa­bing bik­tima.

Show comments