7 pulis sugatan sa ambush

MANILA, Philippines - Pitong pulis ang nasugatan makaraang tambangan ng   mga rebeldeng New People’s Army sa Sitio Umoroy, Brgy. Marintoc, Mobo, Masbate nitong Bi­yernes ng umaga.

Kinilala ang mga biktimang isinugod sa pa­­gamutan na sina SPO1 Angel Palmones, team leader; PO1s Jose Carmona, Leon Tumbaga III, Edwin Enciso, Kar­lo Orlain, Ronald Imperial at Arvin Valencia Gutierrez, pa­wang kasapi ng Uson Municipal Police Station.

Ang mga ito ay isinugod sa Masbate City Hospital para malapatan ng paunang lunas. Ayon kay Masbate Provincial Police Office (PPO) Director Sr. Supt. Eddie Benigay, naganap ang pananambang sa mga elemento ng pulisya sa bahagi ng Sitio Umoroy, Brgy. Marintoc, Mobo ng lalawigang ito dakong alas-10:20 ng umaga.

Show comments