Tipster tumanggap ng reward

MANILA, Philippines - Pinagkalooban kaha­pon ng Philippine National Police (PNP) ng reward ang isang masuwer­teng tips­ter na nagturo sa pinag­tataguan ng isang wanted na kidnapper na naaresto kamaka­ ilan sa operasyon sa JP Rizal St., Bato, Leyte.

Iniabot nina PNP Director General Jesus Ver­zosa, Sr. Supt. Ben­jamin Estipona, Deputy Director ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at Police Anti-Crime Emer­gency Response (PA­CER) Chief Sr. Supt. Isagani Nerez ang P300,000.­00 reward sa ma­su­werteng tipster. Hindi tinukoy ang pa­ngalan ng tipster para na rin sa se­guridad nito at ng kani­yang pamilya.

Sinabi ni Verzosa na ang naturang tipster ang nag­bigay ng impormasyon kaya nabitag ng batas si Mariano de Leon alyas Spider, pangu­na­hing sus­pect sa pagdu­kot at pagpatay sa retira­dong piloto na si Demos­thenes Canete at driver nitong si Allan Garay. Ang dalawang biktima ay dinu­kot noong Hunyo 27, 2008 sa Das­mariñas, Ca­vite kung saan ang bang­kay ni Ga­ray ay natag­puang iti­napon sa Barangay. La­wang Bato, Valen­zuela City. Samantalang ang bang­kay naman ni Canete ay na­kuha sa Mega Dike area sa Brgy. Calsadang Bayan sa Porac, Pam­panga no­ong Hulyo 2, 2008.

Show comments