^

Probinsiya

2 sekyu na supporter ng mayor tinodas

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Dalawa security guard na sinasabing supporter ng re-electionist mayor ang iniulat na napaslang ha­bang dalawang iba pa ang nasugatan makaraang pag­babarilin ng mga ’di-pa kilalang lalaki na lulan ng motorsiklo sa Barangay Isidro, sa bayan ng Rodri­guez, Rizal noong Biyernes ng gabi.

Sa report ni P/Senior Supt. Jonathan Miano, ki­nilala ang dalawa na sina Ricardo Rueda, 53, ng Brgy. Balite, Rodriguez at Isagani Pascual.

Nadamay din si Anna Clarissa Jimenez, 14, na nagtamo ng sugat sa ka­liwang balikat matapos tamaan ng ligaw na bala ng baril habang si Genal Mar na kasamahan ng mga nasawi ay nagtamo ng mga sugat sa braso at pigi.

Nabatid na ang tatlong guwardiya ay pawang mga supporter ni Rodriguez Mayor Jonas Cruz.

Batay sa imbestigasyon ang insidente ay naganap sa Centellia Homes sa Brgy. San Isidro kung saan nagbabantay sa gate ng subdibisyon ang mga gu­wardiya nang dumaan ang magkaangkas na lalaki sa motorsiklo.

Galit na sinita ng dala­wang lalaki na nagpaki­lalang mga pulis ang mga guwardiya dahil sarado ang gate ng subdibisyon kung saan nagkaroon ng mainitang pagtatalo hang­gang sa umalis ang mga suspek.

Gayon pa man, bumalik at niratrat ng dalawang nakamotorsiklo ang nasor­presang mga guwar­diya.

Pinaniniwalaang may kinalaman sa pulitika ang pamamaslang sa dala­wang sekyu.

vuukle comment

ANNA CLARISSA JIMENEZ

BARANGAY ISIDRO

BRGY

CENTELLIA HOMES

GENAL MAR

ISAGANI PASCUAL

JONATHAN MIANO

RICARDO RUEDA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with