Shootout: 2 holdaper dedo

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – Dalawang lalaki na sinasabing miyembro ng holdap gang ang iniulat na napatay makaraang makipagbarilan sa pulisya sa inalatag na Comelec checkpoint kahapon ng madaling-araw sa Barangay San Francisco sa bayan ng Biñan, Laguna. Ayon kay P/Senior Supt. Manolito Labador, Laguna police director, bago naganap ang shootout, naunang hinoldap ng dalawa ang negosyanteng si Ronaldo Abonite kung saan naipaalam naman kaagad sa pulisya kaya nailagay ang checkpoint. Kasalukuyang inaalam ang pagkaka-kilanlan sa dalawa samantala, sugatan naman si PO3 Crispin Antonio matapos tamaan ng bala mula sa mga holdaper. Narekober sa dalawang napatay ang 2-baril, celpon at pitaka ni Abonite.

Show comments