Ika-10 wanted arestado

BULACAN, Philippines – Bumagsak na rin sa kamay ng pulisya ang itinuturing na ika-10 most wanted person makara­ang masakote sa bisinidad ng Barangay San Francisco sa bayan ng Bulakan, Bulacan kahapon. Personal na pina­munuan ni P/Chief Insp. Julius Caesar Mana ng CIDT-Bula­can ang pagdakip sa suspek na si Alvin Morelos, 29, at sina­sabing pamangkin ni Ret.Col. Roberto Morelos na kandidato sa pagka-konsehal sa nabanggit na bayan. Ayon sa police report, si Morelos ay isa sa tatlong kalalakihan na bumaril at nakapatay kay Jose Dandy dela Cruz kaya nagpalabas ng warrant of arrest si Judge Alexander Tamayo ng Malolos City Regional Trial Court Branch15. Pinagha­hanap naman ang isa pang suspek na si Ignacio Ponio.

Show comments