Brodkaster itinumba

MANILA, Philippines - Isa na namang radio reporter/brodkaster ang kum­pirmadong nasawi maka­raang pagbabarilin ng ’di-pa nakilalang lalaki sa panibagong extra-judicial killing laban sa mga mama­mahayag sa Ozamis City, Misamis Occidental noong Miyerkules ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Edwin Segues ng dxSY, barangay kon­sehal at nakatira sa Ba­rangay San Antonio ng nabanggit na lungsod.

Sa ulat ng pulisya na naka­rating sa Camp Crame, naganap ang pamamas­lang sa kahabaan ng Don Anselmo Bernad Avenue dakong alas-4 ng hapon.

Napag-alamang ipinarada ng biktima sa kaniyang kotse nang biglang lapitan at ratratin ng ’di-pa kilalang gunman.

Nabatid sa pulisya na nakatanggap ng pagba­banta  sa kanyang buhay ang biktima kaugnay ng mga pagtuligsa nito sa kanyang pagre-report sa nasabing himpilan ng radyo kaugnay sa nalalapit na May 10 polls.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang pu­lisya para matukoy ang pagkakakilanlan ng gunmen.

Show comments