3 suspek sa holdap tiklo

CAMP OLIVAS, Pampanga, Philippines - Tatlong kalalakihan na sina­sabing sangkot sa panghoholdap sa magtiyahin ang nasakote ng pulisya sa Barangay Pulung Maragul, Angeles City, Pampanga kahapon. Base sa ulat na tinanggap ni Central Luzon PNP director Chief Supt Arturo Cadac Jr., pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Mark Anthony Miclat, Kenneth David, kapwa nakatira sa Sitio Mali, Brgy. Cutcut, Angeles City, at Benito Sinamban ng Sto Rosario St. Brgy Sto Domingo, Angeles City. Napag-alamang lulan ng traysikel (1055RB) ang mga suspek nang abangan at holdapin ang magtiyahing Mary Ann Santiago na nag-withdraw ng malaking halaga sa banko. Sa follow-up operation ng pulisya, naaresto ang mga suspek na tumangay ng P15,000, celpon, iba pang gamit.

Show comments