Lolo todas sa bangin

OLONGAPO CITY, Philippines — Isang 80-anyos na lolo ang iniulat na nasawi makaraang mahulog sa may 100 talam­pakang bangin sa Barangay Kalaklan, Olongapo City kamakalawa ng kahapon. Magtatakip silim na nang ma­iahon ang bangkay ni Benito Dalida ng Kalaklan Street. Base sa police report, ang biktima na papauwi na sana mula sa palengke nang madulas at magtuluy-tuloy sa malalim na bangin.

Show comments