2 Bb. Pilipinas sugatan sa road mishap

BULACAN, Philippines — Masu­wer­teng nakaligtas sa na­kaambang kamatayan ang dalawang beauty queen habang dalawang iba pa ang nasugatan makaraang bumangga ang sinasakyan SUV sa tow truck sa Mac­Arthur Highway sa Baran­gay Longos, Malolos City, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Kabilang sa mga suga­tan ay sina Mariam Mi­chelle Oblea 22, ng North Susana Heights, Quezon City at Bb.Pilipinas-Miss Earth 2010; Czarina Ca­therine Gatbonton, 21, ng Brgy. Pamarawan, Malolos City, Bulacan, Bb.Pilipinas- Miss World, 2010; Maria Charisse Santos ng Malo­los City, Divinia Quetua ng Brgy. Lawa, Meycauayan City, Bulacan at si Alfred Cortez, drayber, ng Brgy. Ilang-ilang,Guiguinto, Bu­la­can habang nakakulong ang drayber ng tow truck na si Edward De Jesus ng Doña Helen Subd., Ca­marin, QC.

Sa imbestigasyon ni PO2 Rene Dela Cruz, lu­ militaw na papalabas ng commercial complex ang Toyota Fortuner (LPT-568 ) ni Cortez patungo sa di­rek­syon ng Maynila nang big­lang sumulpot ang Izusu Elf Tow Truck ( CSY-180 ) ni De Jesus na may hilang tractor trailer (PUE-573) na pa­tungong Pam­panga.

Dahil sa biglang pagla­bas ng sasakyan ng mga biktima ay hindi na naka­yanang ni De Jesus na ihinto pa ang kanyang sasakyan kaya nasalpok nito ang kanang bahagi ng SUV ng mga biktima.

Umabot ng tatlong oras bago maalis ang naka­hambalang trailer truck na hila ng tow truck sa kaha­baan ng highway kung saan nagkabuhul-buhol ang daloy ng trapiko.

Matapos namang mala­patan ng lunas sa Bulacan Medical Center ay pinahin­tulutan ng mga doktor na makauwi ang mga biktima. Boy Cruz at Joy Cantos

Show comments