4 patay sa road mishap

QUEZON, Philippines — Apat-katao ang kumpirmadong namatay kabilang ang isang pulis makaraang salpukin ng trak ang likurang bahagi ng kotse ng mga biktima sa Maharlika Highway sa Barangay Isabang, Tayabas City, Quezon kamakalawa ng hapon. Kabilang sa mga nasawi ay sina PO1 Joaquin Trinidad III ng Quezon-CIDG at nakatira sa Barangay 9, Lucena City; Mark Jeffrey Virtucio, 34, ng Barangay 7, Lucena City, driver ng kotse; at si Andrew Alat, striker ng CIDG at residente ng Barangay Market View, Lucena City. Base sa police report, lulan ng Mitsubishi Lancer ang mga biktima nang araruhin ng cargo truck (UMP-132) bago sumalpok din sa isang truck. Tumakas naman ang drayber ng trak. Tony Sandoval

Show comments