Campaign coordinator dedo sa holdap

KIDAPAWAN CITY , Philippines  — Napaslang ang campaign coordinator ng isang kan­didato makaraang barilin ng isa sa mga armadong kalalakihan na nangholdap sa kahera ng ko­operatiba ka­hapon sa Baran­gay Mag­kaalam sa bayan ng Magpet, North Cotabato.

Napuruhan sa ulo ng bala ng baril si George Cale na napagkamalang security escort ng Pangao-an Cooperative

Ayon kay P/Insp. Luis Pe­derio, hepe ng Magpet PNP, nagkataon lang na na­padaan sa erya ang bik­tima habang nililimas ng mga suspek ang malaking halaga na bitbit ng kahera ng ko­operatiba na lulan ng van.

Napag-alamang inakala ng mga holdaper na si Cale ay security escort ng nabang­git na kooperatiba kaya nila ito binaril sa ulo.

Sugatan naman sina Ando Gubat, 14, at Jimmy Tacara mata­pos na tamaan ng ligaw na bala.

Nabatid na aabot lang sa P60,000 kabuuang sa P.1 mil­yong ang natangay ng mga hol­daper kung saan tumakas sa di­reksyon ng hang­ganan ng mga Barangay Kinarom at Tiko.

Gayon pa naman, ma­laki ang paniniwala ng kam­­po ni Nancy Catam­co, kandi­dato sa congressional race sa ikala­wang distrito ng North Cota­bato sa ilalim ng LAKAS-Kampi, na may bahid pulitika ang pagpatay sa kanyang coordinator na si Cale. Ma­lu Manar

Show comments