Pamilya, 3 minasaker sa Cavite

CAMP VICENTE LIM, Laguna , Philippines  — Tatlong miyem­bro ng isang pamilya ang napatay samantalang da­lawang iba pa ang sugatan makaraang ratratin ng ‘di-pa kilalang lalaki sa bayan ng Silang, Cavite, kama­kalawa ng gabi.

Kabilang sa mga napa­tay ay ang mag-asawang sina Mario Aboga-Ay, Ev­ an­gelina Aboga-Ay, kapwa negosyante at ang anak na si Gieromar Abo­ga-Ay, 18, pawang na­ katira sa Ba­rangay Yakal, Silang, Cavite.

Sugatan naman sina John Gie Aboga-Ay, 18, kakambal ni John Gie; at Christy Fuentes,16, mata­pos magtamo ng mga tama ng bala ng baril at kasalu­kuyang ginagamot sa San Jose Trauma Hospital sa bayan ng Silang.  

Sa ulat na nakarating kay P/Superintendent Da­nilo Buentipo, papauwi na ang mga Aboga-Ay nang tambangan ng maska­radong lalaki na nakasuot ng Army fatigue uniform sa may makitid na iskinita sa Barangay Yakal bandang alas-9 ng gabi.

Dead-on-the-spot sina Mario, Evangelina at Giero­mar samantalang nagtamo ng tama ng bala ng baril si John Gie nang subukin nitong tulungan ang kan­yang mga magu­lang. Tina­maan naman ng ligaw na bala si Christy na nooy nag­lalakad.

Nabahala naman ang mga residente at kinon­dena ang pagpapatupad ng Comelec gun ban na hindi masyadong pinaiiral sa nabanggit na bayan.

Inaalam pa rin ng pu­lisya ang motibo ng pama­maslang habang patuloy ang follow-up operation para matukoy ang gunman.

Show comments