Plataporma ni Ferrer inilahad

ZAMBALES, Philippines — Kailangan ang progresibo at tuluy-tuloy na programang pangkaun­laran para maisakatuparan ang tunay na pag-angat ng kabu­hayan ng mga residente sa bayan ng Botolan, Zam­bales.

Ito ang tahasang sinabi ng chairman ng Provincial Mining Regulatory Board na si Atty Noel Ferrer, na kakandidato sa mayoralty race sa nabang­git na bayan sa ilalim ng Liberal Party at suportado ni Zamba­les Governor Amor Deloso. “Ka­ilangang magka­roon ang ating bayan ng pang­mata­galang programa na tutugon at akma sa pa­ngangailangan ng mga resi­dente base sa resulta ng mga konsultasyon,” ani Ferrer.

Sa ginanap na pulong sa kanyang tahanan, inilatag ni Ferrer ang kanyang platapor­mang 5-Point Agenda for Genuine Change and Pro­gress na magiging gabay ng kanyang administrasyon sa­kaling maluklok bilang alkalde ng Botolan. Kabilang sa plata­porma ni Ferrer ay nakatuon sa proyektong pangkabuha­yan sa lahat ng barangay, pagpapa­unlad ng edukasyon, programa sa kalusu­gan, pag­kilala sa ka­­rapatan ng mga ka­­tutubo at pagpa­pal­akas sa ka­nilang lipi, at pro­yekto na magpa­palakas sa sektor ng matatanda, kaba­taan at magsa­saka. “Na­ni­ni­wala ako na sa pama­magitan ng pag-aakma ng aking 5-Point Agenda at sa regular na konsultasyon sa taumbayan ay maisusulong ang kalaka­lan at turismo,” ani Ferrer. Randy Datu

Show comments