Binata binoga

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Isang binata ang nasawi matapos pagbabarilin ng mga ’di-nakikilalang mga suspek habang kasama niya ang kanyang mga kaibigan na naglalakad sa Purok 1, Barangay Bantayan, Tabaco City kamakalawa ng gabi. Nakilala ang biktima na hindi na umabot pa nang buhay sa Cope Hospital na si Oscar Bobis Jr., binata, nasa hustong gulang at residente ng naturang lugar. Naga­nap dakong alas-11:40 ng gabi ang pamamaril habang ang biktima at tatlo pang mga kaibigan ay naglalakad sa kalsada. Bigla namang tumigil sa kanilang harapan ang apat na suspek na nakasakay sa motorsiklo at walang sabing pagba­barilin ang biktima. Mabilis namang nagtakbuhan ang mga kasamahan ng biktima. (Ed Casulla)

Show comments