^

Probinsiya

Cafgu napatay sa pagsagip

-

MANILA, Philippines - Nagbuwis ng buhay ang isang kawal ng Cafgu Active Auxiliary (CAA) matapos sagipin ang apat na mag-iina na sinasabing naipit sa madugong sagupaan ng military at mga bandidong Bi­ laan sa liblib na bahagi ng Sitio Upper Balnique sa Brgy. Malabod sa bayan ng Malungon, Sarangani, kamakalawa. Napuruhan ng bala sa leeg si CAA Antonio Manib habang nailigtas naman si Letecia Mangunday at apat nitong batang anak. Sa ulat na nakarating sa Cam Crame, nakasagupa ng mga tauhan ng CAA at 73rd Infantry Battalion ang grupo ng mga bandidong Bilaan na pinamumunuan ni Kaq Lito Landawe na sinasabing sangkot sa iba’t ibang krimen. Gayon pa man, habang inililigtas ang apat mag-iina ay tinamaan ng bala si Manib subalit sa kabila nito ay nagawang mailigtas ang mga biktima. Joy Cantos

ANTONIO MANIB

BILAAN

BRGY

CAFGU ACTIVE AUXILIARY

CAM CRAME

GAYON

INFANTRY BATTALION

JOY CANTOS

KAQ LITO LANDAWE

LETECIA MANGUNDAY

SITIO UPPER BALNIQUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with