^

Probinsiya

Assistant ng mayor itinumba

-

BATANGAS CITY – Karit ni kamatayan ang sumalubong sa isang 72-anyos na executive assistant ng city mayor ma­karaang pagbabarilin ng ‘di-pa kilalang lalaki sa bahagi ng Barangay Calicanto, Batangas City, Batangas kahapon ng umaga.

Dalawang bala ng baril sa ulo ang tumapos sa buhay ni ex- PNP Colonel Juan Faltado ng Barangay Balete, Batangas City, at tumatayo ring close-in-security ni Batangas City Mayor Eddie Dimacuha.

Sa police report na nakarating kay P/Supt Manuel Abu, hepe ng Batangas PNP, kabibili lang ni Faltado ng gamot sa botika sa may Caedo Commercial Complex at papasakay na ng kotseng Mercedes Benz (PAV-456) nang lapitan at ratratin ng gunman bandang alas-9:30 ng umaga.

 “Posibleng mga hired killers ang tumira kay Faltado at may kaugnayan sa kanyang personal na aktibidad ang isa sa motibo sa pagpatay sa kanya,” ani Abu. Arnell Ozaeta

vuukle comment

ARNELL OZAETA

BARANGAY BALETE

BARANGAY CALICANTO

BATANGAS

BATANGAS CITY

BATANGAS CITY MAYOR EDDIE DIMACUHA

CAEDO COMMERCIAL COMPLEX

COLONEL JUAN FALTADO

FALTADO

MERCEDES BENZ

SUPT MANUEL ABU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with