Mga bomba, granada nahukay

NUEVA ECIJA, Philippines – Labing-isang sinaunang granada at tatlong vintage bombs ang narekober ng mga mi­yembro ng Trees for Life Center noong Lunes sa ka­bun­dukan ng Mount Amat, Barangay Puncan, sa bayan ng Car­ranglan, Nueva Ecija.

Ayon kay P/Senior Supt. Ricardo Marquez, Nueva Ecija police director, ang mga bomba ay kinabibilangan ng 2-cartridge ng 81mm mortar, 76mm projectile tith broken fuse, at 11-pirasong Japan-type fragmentation grenade.

Naunang iniulat sa pulisya ni Roy Manuzon, pangulo ng Trees for Life Center, na na­diskubre nila ang mga bomba habang sila ay nagtatanim ng punungkahoy kasama ang ilang government units. Dinala ang mga bomba at granada sa Fort Magsaysay sa Palayan City. Christian Ryan Sta. Ana

Show comments