Brgy. chairman itinumba

MANILA, Philippines - Tinambangan at napatay ang isang barangay chairman ng dalawang armadong kalalakihan na sinasabing mga rebeldeng New People’s Army sa panibaong kara­hasang naganap sa Barangay Poblacion, sa bayan ng Montevista, Compostela Valley kamakalawa. Napu­ru­han si Glorieto Mahumas, matapos ratatin ng motorcycle-riding gunmen bandang alas-10 ng umaga. Si Ma­hu­mas ay kilala sa pakikiisa sa krusada ng pamahalaan laban sa mga rebeldeng New People’s Army na sinasabing nag­babanta sa buhay ng una. Noong 2007, si Mahumas at dalawa pa nitong ka­samahan ay dinukot ng mga rebelde bago pinalaya matapos ang ilang araw. Joy Cantos

Show comments